--Ads--

CAUAYAN CITY – Dinakip ang isang lalaking nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 ( Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ).

Ang dinakip ay si Jomari Llania, 21 anyos, residente ng Purok Uno, Naggasican, Santiago City

Ang suspek ay dinakip ng magkasanib na puwersa ng Santiago City Intelligence Branch at Santiago City Station 2

ito ay sa pamamagitan ng inilabas na mandamiyento de aresto na ipinalabas ni Judge Efren Cacatian ng Regional Trial Court Branch 35 Santiago City.

--Ads--

Nabigong magpiyansa ng halagang Php220,000.00 ang ssupek para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Nakakulong na si Llania sa Santiago City Police Office (SCPO).