--Ads--

CAUAYAN CITY- Arestado ang isang lalaki na itinuturing na Regional High Value Target ng mga otoridad sa drug buy bust operation ng mga otoridad sa Brgy. Catabayungan, Cabagan, Isabela.

Ang nahuli ay si Jayson na residente ng bayan ng Sto. Tomas, Isabela.

Nakuha sa kanya ang isang piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 6,800 pesos.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Merwin Villanueva ang Chief of Police ng Cabagan Police Station kanyang sinabi na matagal na nilang minamanmanan ang lalaki bago ang kanilang operasyon.

--Ads--

Aniya malawak ang area of operation ng lalaki sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Isabela partikular sa bayan ng Sto. Tomas.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Region 2 nakulong na din noong 2020 ang lalaki sa kaparehong kaso at nakalabas noong 2022.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Cabagan Police Station ang lalaki kung saan siya ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.