--Ads--

CAUAYAN CITY- Hindi pa nakikilala ang lalaking pinagbabaril at namatay sa Barangay Cebu, San Isidro, Isabela.

Ang biktima ay mataba, may tangkad na 5’4”, kulot ang buhok , nakasuot ng Green T-Shirt at naka-cycling short.

Sakay ang biktima ng isang motorcycle na kulay black and green na may plakang 8479 QQ.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Senior Insp. Vincent Fieror, Hepe ng San Isidro Police Station na batay sa kanilang pagsisiyasat ay may narinig ang mga residente ng Sitio Kapayakan, Barangay Cebu ng mga putok ng baril kagabi.

--Ads--

Mayroong nag-ulat sa himpilan ng pulisya na nakita ang bangkay ng biktima sa isang palayan.

Nagtamo ng 3 tama ng bala ng baril sa ulo ang biktima na nagsanhi ng kanyang kamatayan.