--Ads--

CAUAYAN CITY- Dahil sa kantang “Sayang na Sayang” , nagreklamo sa San Mateo Police Station ang isang lalaki na binugbog.

Sa sumbong sa himpilan ng pulisya ni Rogel Custodio, sinundo lamang niya ang kanyang kapatid na si Rodel Custodio na nakikipag-inuman sa isang videoke bar.

Nadatnan anya niya ang kapatid na nakikipagtalo ngunit binugbog umano siya ng grupo nina Daniel Lacambra.

Ayon naman kay Benjamin Cereso, ang hindi nila pagkakaunawaan ni Rodel Custodio ay dahil sa kantang “Sayang na Sayang ”.

--Ads--

Kakanta na sana si Cereso ngunit biglang inagaw ni Rodel ang mikropono sa kanya.

Pinayuhan ng pulisya si Custodio na magpa-medical para sa pagsasampa ng kaso laban sa grupo ni Lacambra.