--Ads--

CAUAYAN CITY – Dinakip ang isang lalaki dahil sa pagdadala ng iligal na pinutol na kahoy sa Quezon, San Isidro, Isabela.

Ang pinaghihinalaan ay si Eduardo De Cano, 67-anyos, may asawa at residente ng Divisoria, Santiago City.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, habang nagmamando sa checkpoint ang mga kasapi ng San Isidro Police Station ay namataan ang pinaghihinalaan na may mga dalang hinihinalang hindi dokumentadong kahoy.

Halos 32 board feet ang nakumpisakang kahoy na lulan ng isang tricycle.

--Ads--

Nasa pangangalaga na ng San Isidro Police Station si De Cano na mahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 705 (Revised Forestry Code of the Philippines).