--Ads--

CAUAYAN CITY – Dinakip ng pulisya ang isang lalaki matapos magpositibo sa isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation ng PNP at mahulihan pa ng hindi lisensyadong baril sa Purok 6, Brgy. Cabugao, Echague Isabela kagabi.

Kinilala ang suspek na si Michael Baymosa tatlumput isang taong gulang, may asawa at walang trabaho at residente ng Sinabbaran, Echague, Isabela.

Ayon sa Echague Police Station isinagawa ang buybust operation katuwang ang PDEA Region 2 laban sa pinaghihinalaan na nagbenta ng isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng Methamphetamine Hydrochloride o mas kilala sa tawag na “shabu” na may tinatayang halaga na anim na libong piso.

Nasamsam din sa kanyang pag iingat ang tatlo pang heat sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 13,600 pesos, isang unit improvised o home-made pistol gauge 12 shotgun na may apat na bala.

--Ads--

Tiniyak naman ng pulisya na may ginamit silang body worn camera at isang cellphone bilang recording device sa operasyon.

Matapos ang dokumentasyon ay dinala na ang suspek at mga nakumpiskang kontrabando sa Echague Police Station para sa tamang disposisyon.