--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagsisisi ang isang senior citizen na dinakip at nakakulong ngayon sa lock up cell ng san mateo police station sa pagpukpok ng martilyo sa kanyang step son.

Ang biktima ay si Rey Garcia, 32 anyos, binata at residente ng barangay Salinungan East, San Mateo, Isabela.

Nahaharap sa kasong Frustrated Murder ang pinaghihinalaan na si Alfredo Lorenzo, 62 anyos, magsasaka, residente rin sa nabanggit na lugar.

Sa naging panayam ng bombo radyo cauayan, sinabi ni Lorenzo na 17 taon na silang nagsasama ng ina ng biktima at palagi siyang nagpapasensiya kapag pinagsasalitaan siya ng masama at pinagbabantaan pa umano ng kanyang stepson.

--Ads--

Hindi na siya nakapagtimpi kaya pinukpok niya ng martilyo ngunit pinagsisihan niya ang kanyang ginawa.

Sinabi ni lorenzo na hindi pa siya dinadalaw ng kanyang misis kaya hindi niya batid kung tuluyan siyang sampahan ng kaso.