--Ads--

CAUAYAN CITY- Arestado ang isang lalaking manggagawa sa kasong 4 counts of Statutory Rape sa Brgy. Palma- Urbano, Baguio City.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan nadakip ang suspek na si alyas “Nilo” na binansagang No.7 Regional Most Wanted Person ng pinagsanib na pwersa ng mga kapulisan ng Isabela at Baguio City Police Office Station sa bisa ng mandamiento de aresto na inissue noong nakaraang taon ng Mayo 31 para sa kasong nabanggit na walang inirekomendang piyansa para kanyang pansamantalang paglaya.

Pagkatapos ng matagumpay na operasyon, ang suspek ay dinala sa Baguio City Police Office Station 5 para sa dokumentasyon.