Nasakote ng Cauayan Component City Police Station ang isang lalaki sa isinagawang buy-bust operation sa Minante 1, Cauayan City, Isabela, pasado alas-8:00 ng gabi, sa may tapat ng isang pribadong unibersidad.
Kinilala ang suspek na si alyas Chie, 36 anyos, na ayon sa suspek ay isang driver at residente ng Purok 5, Minante 2, Cauayan City.
Ayon sa nakalap ng Bombo Radyo Cauayan mula sa suspek ay gumagamit lang umano ang suspek at itinangging siya ay nagtitinda ng illigal na droga
Nakumpiska mula sa kanya ang isang piraso ng maliit na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang Realme smartphone na kulay purple na may peach casing, isang itim na keypad Samsung cellphone, isang kulay kahel na lighter, isang itim na pouch, isang gunting, isang identification card, dalawang piraso ng transparent plastic sachet, tatlong piraso ng lukot na cigarette foil, isang bakanteng pakete ng Bon cigarette, isang tunay na limang-daang pisong papel na ginamit bilang buy-bust money, at walong piraso ng limang-daang pisong boodle money.
Isinailalim na sa kustodiya ng pulisya ang suspek at inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa kanya.











