Inamin ng isang 36-anyos na lalaki na matagal na siyang gumagamit ng ilegal na droga matapos siyang maaresto sa isang buy-bust operation na ikinasa ng Cauayan Component City Police Station nitong ikalabindalawa ng enero, dakong alas-9:40 ng gabi sa bypass road ng Brgy. San Fermin, Cauayan City.
Ayon sa pulisya, inaresto ang suspek na may alyas na “Boy,” residente ng Brgy. Dos, San Mateo, Isabela, matapos umanong magbenta ng hinihinalang shabu.
Nasamsam sa operasyon ang isang transparent plastic sachet na naglalaman ng isa pang heat-sealed sachet na may puting kristal na substance na hinihinalang shabu, isang tunay na ₱500 bill na ginamit bilang buy-bust money, isang ₱500 boodle money, isang berdeng vape, at isang kulay orange na android cellphone.
Gayunman, itinanggi ng suspek na kanya ang ilegal na droga at pera at iginiit na siya ay gumagamit lamang. Sa kanyang pahayag, detalyado niyang isinalaysay ang kanyang kalagayan at umano’y pinagmulan ng kanyang bisyo.
Sa kabila ng naturang pahayag, isinailalim pa rin sa kustodiya ng pulisya ang suspek at hahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002











