--Ads--
CAUAYAN CITY – Namatay ang isang lalaki matapos malunod sa ilog magat dam sa San Roque, San Mateo, Isabela.
Ang nalunod ay si Nilo Faborada, 50 anyos at residente ng Marasat Grande, San Mateo, Isabela.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan nagtungo ang biktima sa ilog para mangisda.
Ngunit napunta ang biktima sa malalim na bahagi ng ilog at dahil hindi marunog lumangoy ay tuluyan siyang nalunod.
--Ads--
Isinugod pa sa pagamutan ang biktima ngunit idineklara ring dead on arrival.




