--Ads--
Naaresto ng mga kapulisan ang Number 7 Regional Most Wanted Persons sa Cagayan Valley dahil sa kasong three counts of Rape, sa isinagawang operasyon sa Barangay Centro 1, Angadanan, Isabela.
Kinilala ang suspek na si alyas Omar, 25 taong gulang, walang asawa, isang drayber, at residente ng nabanggit na bayan.
Ikinasa ang matagumpay na operasyon sa pamamagitan ng pinagsanib na pwersa ng Angadanan Police Station, Provincial Intelligence Unit ng IPPO, at Regional Intelligence Unit.
Ang warrant of arrest laban sa suspek ay inilabas noong Nobyembre 15, 2024 ng Regional Trial Court Branch 40 at walang inirekomendang piyansa para sa akusado.
--Ads--











