--Ads--

CAUAYAN CITY – Nadakip ang isang lalaki matapos masamsaman ng hindi lisensyadong baril sa Brgy. San Fabian, Echgaue, Isabela.

Ang suspek ay si Pepito Tungbaban, 59 anyos at residente ng Siluan Sur, Echague, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan mula sa Echague Police Station, isang concerned citizen ang tumawag sa kanila kaugnay sa kahina-hinalang kilos ng ng suspek.

Agad namang timugon ang mga pulis at nakuha ang isang sling bag , isang Cal. 45 baril na may dalawang magazin at 13 live ammunition kay Tungbaban.

--Ads--

Dahil sa bigong magpakita ng dokumento sa hawak na baril ay agad dinala sa himpilan ng pulisya ang suspek para sa kaukulang disposyon.

Inihahanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa RA 10591 ( New Firearms Law) laban sa kay Tungbaban.