--Ads--

CAUAYAN CITY- Isa ang nasawi sa naganap na salpukan ng isang tricycle at SUV sa Barangay Cabaruan, Cauayan City.

Ang biktima ay si Alyas Joe, 42-anyos, driver at residente ng Dianao,Cauayan City, Isabela habang ang suspek ay si alyas Ariel,30-anyos, negosyante na residente ng Barangay District 2, Cauayan City.

Batay sa pagsisiyasat ng pulisya binabaybay ng tricycle ang pambansang lansangan patungong norte habang papunta naman sa poblacion ang SUV.

Lumipat umano ng linya ang tricycle para iwasan ang isa pang sasakyan subalit nakasalubong nito ang SUV.

--Ads--

Nagtamo ng malubhang sugat sa katawan ng biktima na agad dinala sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival ng attending physician.

Ayon pa sa PNP nakainom ng alak ang driver ng SUV ng maganap ang aksidente na ngayon ay mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homcide and damage to property.

Maliban dito ay nakapagtala pa ng limang vehicular accident ang Rescue 922 sa magdamag.

Batay kay Operations Coordinator Kelvin Jules abad ang mga sangkot na motorista ay pawang mga nasa impluwensya ng nakalalasing na inumin.

Muli ay nanagawan siya na seryosohin ang pag-iingat lalo na sa mga driver na nakainom na ng alak.