CAUAYAN CITY- Sugatan ang isang indibidwal matapos mabangga ang kasalubong nitong sasakyan sa kahabaan ng pambansang lansangan ng District 2, Cauayan City.
Ang sugatan ay kinillaang si Ronaldo Paulite, lulan ng single na motorsiklo, at residebte ng Brgy. Alicaocao Cauayan City
Habang ang adventure na sasakyan naman ay minamaneho ni William Aquino, residente ng San Antonio, Cauayan City, lulan nito ang lima pang indibidwal.
Lumalabas sa imbestigasyon ng mga kapulisan na ang sasakyan ay binabaybay ang daan patungong South direction habang ang single na motorsiklo naman ay patungong North direction particular sa pauwing Alicaocao.
Ang sasakyan ay mula sa Ilocos at pauwi na ng Rizal Cauayan City nang mabangga ito ng motorsiklong umagaw ng linya.
Nagtamo ng sugat ang biktima na agad namang dinala sa pagamutan.
Sa ngayon ay nagppaatuloy ang imbestigasyon ng mga kapulisan sa nangyaring aksidente.