--Ads--

CAUAYAN CITY – Iniimbestigahan ng mga otoridad kung may foul play sa pagkamatay ng isang lalaki na natagpuang nakabitin sa isang puno ng kahoy sa loob ng sementeryo sa Santiago City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Sr. Insp. Jose Cabaddu, Acting Station Commander ng Presinto 2 ng Santiago City Police Office o SCPO isang Aladdin Caniero, 18 anyos ang nagreport sa himpilan ng pulisya matapos makita ang nakabitin sa punong ng kahoy na katawan ng lalaking wala nang buhay .

Lumabas sa imbestigasyon ng SCPO na nasa early state of decomposition na ang bangkay.

Hindi pa nakilala ang lalaki ay nakasuot lamang ng boxer shorts, tinatayang nasa edad 30 hanggang 35 anyos, may tangkad na hanggang 5’5”.

--Ads--

Hinihintay pa ang resulta ng pagsusuri ang Scene of The Crime Operatives (SoCo) para malaman kung ano ang tunay na sanhi ng pagkamatay ng lalaki.

Nanawagan si Senior Inspector Cabaddu sa mga nawawalan ng mga kamag-anak na lalaki na makipag-ugnayan sa kanilang himpilan.