--Ads--
Natagpuang wala nang buhay ang isang lalaki sa Balelleng, Santo Tomas, Isabela matapos gilitan sa leeg ng nakainuman nito.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Romel Aggabao, Chief of Police ng Santo Tomas Police Station, sinabi niya na noong nirespondehan ng kanilang hanay ang natagpuang bangkay ay kusang sumuko ang isang lalaki na umano’y pumatay sa biktima.
Batay sa salaysay nito, naka-inuman niya ang biktima at mayroon umanong hindi nagustuhan ang suspek sa inasal nito dahilan upang ito’y kaniyang paslangin gamit ang isang balisong.
Ang kapatid ng biktima ang nakatagpo sa bangkay nito kinaumagahan na siya ring nag-ulat ng pangyayari sa himpilan ng Pulisya.
--Ads--
Sa ngayon ay nasampahan na ng kaso ang suspek kaugnay sa krimeng nagawa.





