Wala nang buhay nang matagpuan ang isang lalaki matapos magsariling maaksidente sa Daramuangan Sur, San Mateo, Isabela.
Ang biktima ay kinilala sa pangalang Dexter at residente ng Malasin San, Mateo, Isabela.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PSSg. Clemente Caronan ng San Mateo Police Station, sinabi nito na hinihinalang na-aksidente ang biktima dahil ang motorsiklo nito ay natagpuan din sa palayan malapit sa kung saan natagpuan ang katawan nito.
Natanggap aniya nila ang ulat mula sa isang concerned citizen na nakakita sa wala nang buhay na biktima.
Batay sa insiyal na pagsisiyasat ng Pulisya, galing sa barangay Malasin ang biktima patungong barangay Marasat Pequeño at nang makarating sa palikong bahagi ng daan ay doon na umano ito naaksidente.
Nagtamo ng matinding injury sa katawan ang biktima na dahilan ng agaran nitong pagkasawi.
Lumalabas naman sa pagsisiyasat na self-imposed accident ang naturang insidente.











