--Ads--
CAUAYAN CITY– Patay ang isang lalaki matapos mabangga ang sinasakyang motorsiklo ng isang Toyota Innova sa national highway na bahagi Harana, Luna, Isabela.
Ang biktima ay si Albert Nisperos, 31 anyos, residente ng Purok 5, Rogus, Cauayan City habang ang tsuper ng sasakyan ay si Magelyn Simbulan, 36 anyos.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, binabagtas ng sasakyan ang daan sa Luna, Isabela patungong Cauayan City nang mabangga ang nakasalubong na pagewang-gewang na motorsiklo.
Sinubukan pa umanong iwasan ni Simbulan ang biktima ngunit nabunggo pa rin nito dahil hindi umano malaman kung saang direksyon patungo ang motorsiklo.
--Ads--
Agad na isinugod ang biktima sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.




