--Ads--
CAUAYAN CITY – Patay ang isang lalaki matapos matagis ng isang tractor sa Barangay Magsaysay, Cordon, Isabela.
Ang biktima ay si Heherson Realiza, 36 anyos, may-asawa,at residente ng Brgy. Aguinaldo.Cordon habang ang suspek ay si Jessie Mariano, 32 anyos, may asawa at residente ng Brgy.San Pablo, Aurora, Isabela.
Sa paunang pagsisiyasat ng Cordon Police Station, pasakay na ang biktima sa kanyang tricycle na nakaparada sa gilid ng lansangan sa Brgy. Magsaysay nang mahagip ng dumaan na tractor na patungong Tabuk City, Kalinga.
Nakaladkad ng tractor ang biktimang si Realisa na nagdulot ng kanyang agarang kamatayan.
--Ads--
Nasa pangangalaga na ng Cordon Police Station ang tsuper ng tractor na si Mariano matapos siyang kusang sumuko.




