CAUAYAN CITY – Patay ang isang lalake matapos na makuryente sa bumagsak na live wire sa Barangay Aurora, Alicia, Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan sa kapatid ng biktima na si Marcelo Gandela sinabi niya na pauwi na sana ang kaniyang kapatid na si Mike Pastor Gandela galing sa trabaho sakay ng bisikleta nang masagasaan niya ang nakabalandrang live wire ng ISELCO 1.
Aniya higit isang daang metro na lamang ang layo ng kaniyang kapatid mula sa kanilang bahay ng maganap ang insidente.
Giit niya na matagal na nilang inirereklamo sa pamunuan ng ISELCO 1 ang naturang kalbe ng kuryente na madalas mag spark at dahil malakas ang pag-ulan at may pagbugso pa ng hangin ay naputol ng tuluyan ang kable ng kuryente.
May mga tumawag aniya sa ISELCO 1 para iulat ang pangyayari subalit wala umanong sumasagot kaya binantayan na lamang ng mga residente ng lugar ang kalsada dahil baka may dumaan.
Nagawa namang parahin ang isang tricycle na sinusundan ng kaniyang kapatid na naka bisikleta.
Bagamat pinara din umano ang biktima ay hindi siya agad naka hinto hanggang sa nasagasaan niya ang wire at natumba.
Nagawa pa naman siyang madala sa ospital subalit idineklarang dead on arrival na ng Attending Physician.
Sa ngayon ay wala parin silang natatanggap na tulong mula sa pamunuan ng ISELCO matapos ang insidente.
Panawagan niya ngayon ang tulong pinansiyal lalo na at hindi pa nila nababayaran ang kabaong ng kapatid.
Ayon umano sa ISELCO 1 pagpupulungan palamang ng kanilang Board of Directors ang nararapat na halaga na ibibigay sa kanila bilang danyos.