--Ads--

CAUAYAN CITY– Nasawi ang isang lalake matapos na malunod sa ilog magat na nasasakupan ng bagong Sikat, San Mateo, Isabela.

Ang nasawi ay si Moises Dumlao, 36 anyos, may-asawa, residente ng naturang lugar.

Lumabas sa pagsisisyasat ng San Mateo Police station nag tungo sa ilog ang biktima kasama ang asawa at ilang kaanak para mag picnic.

Ayon kay Ginang Nida Dumlao na nagkaroon ng kaunting inuman nang magpasya ang kanyang mister na magtampisaw sa mababaw na bahagi ng ilog.

--Ads--

Hindi na nakitang umahon sa tubig ang biktima kayathumiling sila ng tulong at agad na tumawag ng rescue si barangay kapitan Ronnie Galamay at makalipas ng kalahating oras ay nahanap ang katawan ng biktima .

Agad itong dinala sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival ng kanyang attending physician.