--Ads--
CAUAYAN CITY – Naiuwi na sa bayan ng Alicia, Isabela ang isang lalaking nasawi matapos ma-aksidente Cabaruan, Cauayan City.
Sa naging panayam ng bombo radyo cauayan kay P/Sr. Insp. Essem Galiza, information officer ng Cauayan City Police Station, sinabi niya
na natagis ng Isuzu forward truck ang motorsiklong minamaneho ni Renato Cerafica, residente ng Del Pillar, Alicia, Isabela matapos mag-overtake sa kahabaan ng lansangan sa Barangay Cabaruan.
Naisugod pa ng Rescue 922 ang biktima sa isang pribadong pagamutan ngunit binawian ng buhay.
Ang tsuper ng forward truck na si Wilson Telan ay dinala din sa pagamutan dahil sa tinamong subalit matapos malapatan ng lunas ay dinala sa himpilan ng pulisya.
--Ads--




