--Ads--
CAUAYAN CITY – Patay ang isang lalaki matapos malunod sa irrigation canal sa Barangay La Torre North, Bayombong, Nueva Vizcaya.
Ang biktima ay si Jomar Gregorio Seres, 22-anyos, at residente ng Luyang, Bayombong, Nueva Vizcaya, ngunit kasalukuyang nakatira sa Barangay La Torre North ng nasabing bayan.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, sa imbestigasyon ng pulisya at batay na rin sa kaibigan ng biktima ay nakita niya ito na lumulutang sa irrigation canal kaya sinubukan niyang iligtas at isinugod sa hospital ngunit idineklara ng dead on arrival.
Napag-alaman na bago ang insidente ay may nakakita na lasing ang biktima at nakaupo sa isang kahoy na upuan sa tabi ng irigasyon.
--Ads--