--Ads--

CAUAYAN CITY – Naaresto ng mga kasapi ng Aurora Police Station ang suspek na nanaksak at nakapatay sa isang lalaki sa Barangay San Pedro, San Pablo, Aurora, Isabela sa araw ng Pasko

Ang inaresto ay si Carlito Legazpi,28 anyos, isang manggagawa at residente ng nasabing barangay.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan namatay ang biktimang si Orlando Bilirosario, 44 anyos, may-asawa at residente rin ng nabanggit ng lugar makaraang saksakin ng suspek ng isang matalim na bagay matapos makipag inuman.

Isinugod pa ang biktima sa isang pagamutan ngunit ideneklara ring dead on arrival.

--Ads--

Ang ginamit na patalim at ang suspek ay nasa pangangalaga na ng Aurora Police Station at inihahanda na ang kasong murder laban sa kanya.

Ang mga labi ng biktima ay nakaburol na sa kanilang tahanan.