Isang Canadian environmentalist na tinaguriang “Plastic King” ang kinilala ng Guinness World Records matapos niyang itayo ang isang apat-na-palapag na kastilyo gamit ang libong plastic bottles.
Si Robert Bezeau ay nagtayo ng “Castillo Inspiración” sa Bocas del Toro, Panama. Ang istraktura ay may taas na 46 ft at binuo gamit ang 40,000 na plastic bottles. Dahil dito, nakuha niya ang titulong: “Largest Castle Made from Plastic Bottles”.
Nagsimula ang adbokasiya ni Bezeau noong 2012 nang madiskubre niya ang talamak na problema sa basura sa isla, kung saan tinatayang mahigit isang milyong plastic bottles ang nakakalat.
Sa halip na recycling, isinulong niya ang “upcycling” o ang paggamit ng basura bilang construction material at insulation para sa mga gusali.
Ang kastilyo ay bahagi ng mas malaking “Plastic Bottle Village” na kanyang itinatag.
Mayroon din itong “dungeon” na gawa sa 10,000 bote kung saan maaaring matulog ang mga bisita sa mga selda upang “pagsisihan” ang kanilang pagpapabaya sa kalikasan at magbago ng consumption habits sa paggamit ng mga single-use plastic.











