CAUAYAN CITY – Arestado ang isang lalake matapos na maaktuhang nagbebenta ng government issued at government owned na mga abono na hindi ipinagbibili at ipinamamahagi ng libre ipinamamahagi ng Kagawaran ng Pagsasaka sa mga magsasaka.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Michael Esteban Chief of Police ng San Manuel Police Station, sinabi niya na ikinasa ng pinagsanib na pwersa ng CIDG, San Manuel Police Station at DA Region 2 ang operasyon laban sa isang indibiduwal na nagbebent ng mga agricultural products na mahigpit na hindi ipinagbibili ng DA.
Nasamsam mula sa pinaghihinalaan ng nasa humigit 130 sako at bag ng iba’t-ibang variety ng abono na nagkakahalaga ng P250,000.
Ayon kay Pmaj. Esteban na mag isang nadakip si alyas Jr sa kinasang operasyon subalit nabatid na may kasadwat pa ito na mula sa Ramon, Isabela na siyang kumukuha ng mga ibebenta nilang mga Agricultural products.
Sa ngayon ay nagsasagawa na ng verification ang kagawaran ng Pagsasaka sa mga nasamsam na abono para malaman kung saang rehiyon nagmula ang naturang mga agricultural products.











