CAUAYAN CITY – Nagtamo ng sugat sa kanyang dibdib ang isang magsasaka matapos siyang saksakin ng kanyang nakatatandang kapatid na sinita niya dahil sa pagbunot sa mga halaman sa kanilang bakuran.
Ang nasugatan na nilalapatan ng lunas sa ospital ay si William Luna, 28 anyos, habang ang suspek ay ang kapatid na si Samuel Luna, 38 anyos na kapwa residente ng Quirino, Cordon, Isabela.
Sa imbestigasyon ng Cordon Police Station, kinompronta ni Samuel na nakainom ng alak ang kanyang kapatid nang makitang binubunot ang mga tanim na halaman sa kanilang bakuran.
Humantong sa mainitang pagtatalo ang komprontasyon dahilan upang kumuha si Samuel ng kutsilyo at sinaksak sa dibdib ang nakababatang kapatid.
Nasa kustodiya na ng Cordon Police Station ang suspek at saasmpahan ng kasong bigong pagpatay.




