--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagpakamatay sa pamamagitan ng pagsaksak sa sarili ang isang lalaki sa Echague, Isabela.

Ang nagsaksak sa sarili ay si Luis Zambrano, 22 anyos at residente ng barangay Dammang East, Echague, Isabela.

Sa nakuhang imporamasyon ng Bombo Radyo Cauayan, nakita ng pamilya na mayroong hawak na kutsilyo ang biktima.

Sinubukan pang pigilin ng kaniyang pamiya si Luis ngunit sinaksak pa rin ang kanyang sarili.

--Ads--

Lumabas naman sa imbestigasyon ng Echague Police Station na mayroong suliranin sa pag-iisip ang lalaki.