CAUAYAN CITY- Isang lalaki ang dinala sa pagamutan upang malapatan ng lunas makaraang suntukin sa isang lamay sa San Mateo, Isabela.
Dinala sa pagamutan para malapatan ng lunas si Robert Dinamman, residente ng Butao, Diadi, Nueva Vizcaya matapos siyang saktan ng suspek na si Aniceto Quiras, residente ng Sinamar Norte, San Mateo, Isabela.
Nauna rito ay pinigilan ng biktima ang suspek na kantahin ang Philippine Geography ni Yoyoy Villame sa lamay ng kanilang kamag-anak sa San Mateo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ng Magdalena Potang, tiyakin ng biktima at residente ng Nueva Vizcaya na dumalo sila sa lamay ng kanilang kamag-anak.
Nag-ugat anya ang galit ni Quiras nang pigilan siya ni Dinamman na kantahin ang Philippine Geography na sasayawin sana nila.
Pagkatapos ng 30 minuto na nakaupo na si Dinamman ay nilapitan siya ni Quiras saka sinuntok.
Dinala sa san mateo integrated hospital si Dinamman para malapatan ng lunas ang mga tinamong sugat sa katawan.




