--Ads--
CAUAYAN CITY – Nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang isang lalaking tinaga sa ulo ng kanyang bayaw sa lalawigan ng Ifugao.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan sa biktimang si Edgar Marinay residente ng Alfonso Lista, Ifugao, sinabi niya na nagkapikunan sila ng kanyang bayaw nang magbiruan sa kanilang pag-iinuman.
Sinabi ni marinay na hindi niya inakalang tatagain siya ng kanyang bayaw.
Una na rin umano silang nagkaroon ng pagtatalo noon habang sila ay nag-iinuman.
--Ads--
Pinag-aaralan pa ni Marinay kung magsasampa siya ng kaso laban sa kanyang bayaw na si Bobby Humisaryo, kapwa sila residente ng Alfonso Lista, Ifugao.




