CAUAYAN CITY – Nadakip ang isang lalaki na itinurong bumaril sa sasakyan ng isang kasapi ng sangguniang bayan na nakaparada sa harap ng kanilang bahay sa Naguilian, Isabela
Ang may-ari ng sasakyan ay si SB Member Rocky Buccuan at residente ng Magsaysay, Naguilian, Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauaya, inihayag ni P/Senior Inspector Francisco Dayag, hepe ng Naguilian Police Stationna nagpapahinga si SB member Buccuan sa kanilang bahay at nagpapakain ng kanilang alagang aso ang kanyang misis nang mapansin na may kakaibang sa labas ng kanilang bahay.
Makaraan ang ilang sandali ay nakarinig umano ang asawa ni SB member Baccuan ng putok ng baril.
Agad pumasok sa loob ng kanilang bahay si Gng. Buccuan habang ang kanyang mister ay pumunta sa itaas ng kanilang bahay at nakita niya ang suspek na si Hector Tomines na kanilang kabarangay.
Nagtamo ng tama ng bala ng baril ang likod na bahagi ng sasakyan ngunit walang nakuhang basyo ng bala sa paligid nito.
Tumakbo si Tomines palayo ngunit nadakip siya sa pagtugon ng mga pulis.
Ayon na kay P/ Senior Inspector Dayag, nadakip nila si Tomines ngunit walang nakuhang baril sa kanya.
Isinailalim sa paraffin test para sa kasong isasampa laban sa suspek.




