--Ads--

CAUAYAN CITY- Patay ang isang lalaki matapos na pagbabarilin sa Barangay Dibuluan, San Mariano, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Francis Pattad, hepe ng San Mariano Police Station sinabi niya na pasado alas 4 ng hapon naganap ang pamamaril na ikinasawi ng biktima na si Reynaldo Alfante na residente ng Barangay Minanga, San Mariano, Isabela.

Aniya nagpunta lamang sa Brgy. Dibuluan ang biktima para dumalo sa fiesta nang siya ay tambangan at pagbabarilin habang lulan ng tricycle.

Batay sa imbestigasyon ng PNP San Mariano, pauwi ang biktima ng parahin ito ng suspek at doon ito pinagbabaril.

--Ads--

Hindi isinasantabi ngayon ng PNP ang personal na galit ang motibo sa pabaril-patay sa biktima ayon nadin umano sa pakikipag ugnayan nila sa nakasaksi sa krimen.

Pinawi naman ng PNP ang pangamba ng publiko dahil sa isolated case lamang ang insidenteng ikinasawi ng biktima at walang kaugnayan sa makakaliwang grupo o mga NPA.