CAUAYAN CITY- Isang high-value drug target ang naaresto sa matagumpay na anti-illegal drug buy-bust operation na isinagawa ng pinagsanib na pwersa ng mga otoridad sa Badda Road, Purok 5, Barangay La Torre North, Bayombong, Nueva Vizcaya.
Ang operasyon na pinanguhan ng PNP Drug Enforcement Group (DEG), MDEU Bayombong Police Station, 1st NVPMFC, Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), at PDEA ay nagresulta sa pagkakasamsam ng mahigit 5 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang street value na Php34,000.00 sa direktang pag iingat ni Alyas Jeff.
Si Jeff ay 37-anyos na residente ng Purok 4, Barangay La Torre North, Bayombong, ay nahuli matapos magbenta ng shabu sa isang poseur-buyer.
Siya ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Bayombong Police Station para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.
Kasama sa operasyon ang PNP Drug Enforcement Group (DEG), MDEU Bayombong Police Station, 1st NVPMFC, Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), at PDEA.