--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 ( Comprehensive firearms and ammunition regulation act ) ang isang lalaking dinakip ng pulis sa isinagawang buy bust operation sa Mallig, Isabela.

Ang inaresto ay si Johnson Factor, 34 anyos, may asawa at residente Siempre Viva, Mallig, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, ang operasyon ay isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng CIDG Santiago City at Cauayan City Police Station na nagbunga ng pagkadakip ng suspek at pagkasamsam ng baril.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang isang semi-machine gun pistol, isang magazine na may 18 bala, cellphone at buy bust money.

--Ads--