--Ads--
CAUAYAN CITY – nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 ( Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang isang lalaki sa isinagawang drug buy bust operation sa barangay Batal.
Ang dinakip ay si Elmer Tolentino, 48 anyos, may asawa, walang trabaho at residente sa naturang barangay.
Dinakip si Tolentino ng pinagsanib na pwersa ng Santiago City Police Station 1 at PDEA regional 2.
Sa isinagawang operasyon ay napatunayan na nagbebenta ng droga si Tolentino sa pamamagitan ng pagpapanggap na buyer ng isang police.
--Ads--
Pagkatapos ng transaksyon ay agad na hinuli si Tolentino at nakuha sa kanyang pagiingat ang isang pakete ng hinihinalang shabu at buy bust money.




