--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinaghahanap na ang lalaking nakasama ng isang ginang na natagpuang patay sa isang lodge   sa Santiago City.

Ang biktima na itinago sa pangalang Carmela, 57 anyos at residente ng San Agustin, Isabela ay kinalala ng kanyang mga kamag-anak .

Hindi agad nakilala ang ginang matapos matagpuang patay sa lodge noong ika-28 ng Oktubre 2021.

Nagpasya ang mga kamag-anak ng ginang na isailalim sa autopsy ang kanyang bangkay upang matukoy  ang tunay na sanhi ng kanyang pagkamatay.

--Ads--

Lumabas sa autopsy na namatay ang ginang dahil sa suffocation  o maaaring tinakpan ng  unan  ang  kanyang  mukha hanggang malagutan ng hininga.

Positibo rin sa genital  trauma ang maselang bahagi ng kanyang katawan at may mga nakitang bakas ng dugo sa foam ng kama.

Batay sa salaysay ng  receptionist  ng  lodge, tatlong beses nang naging customer nila ang ginang na may kasamang isang lalaki.

Noong natagpuan aniya ang bangkay ng biktima ay iniwan ng lalaking kasama niyang nag-check-in.

Isa sa mga innimbestigahan ng mga otoridad ay pinagnakawan bago pinatay ang ginang.