CAUAYAN CITY – Isinumbong sa Cabarroguis Police Station ang isang manggagawa na nanakot gamit ang isang baril.
Ang suspek ay si Joseph Marzo, 29 anyos, may-asawa, residente ng Cabarroguis,Quirino.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PO2 Bernabe Dayag, investigator ng Cabarroguis Police Station , ginawang panakot umano ni Marzo ang kanyang baril habang nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin.
Nagsumbong ang ilang concerned citizen sa himpilan ng pulisya ngunit kusang isinuko ng suspek ang kanyang baril na ginamit sa pananakot.
Agad naman umanong tumalima si Marzo at isinuko ang kanyang Cal.357 na baril na may apat na bala.
Matagal na umanong nasa pangangalaga ni Marzo ang baril na umanoy nakuha niya sa kanyang kaibigang nasa kalapit bayan.
Dahil wala namang kinasangkutang anumang krimen, wala sa talaan ng drug personalities at napatunayang dala lamang ng kalasingan ang ginawang pananakot kaya hindi na sinampahan ng kaukulang kaso si Marzo




