--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasunog ang pangalawang palapag ng isang bahay sa Purok 1, Barangay Rosario, Santiago City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginang Marites Ambulario, 49 anyos, isang vendor kanyang sinabi na ikinagulat nito nang mabalitaang nasunog ang kanilang bahay habang nasa tindahan.

Kaagad na umuwi si Gng. Ambulario at nakitang naapula na ang apoy ngunit nasunog ang ikalawang palabag ng kanilang bahay.

Hinihinala nilang ang naiwang nakasaksak na electric fan ang pinagmulan ng sunog.

--Ads--

Nagulat anya ang mister ng Ginang na mayroong pumutok sa ikalawang palapag ng bahay bago nagkaroon ng sunog.

Kaagad namang nakalabas sa kanilang bahay ang mister na mayroong kapansanan.

Humihingi ng kaunting tulong ang ginang dahil sa ilan sa kanilang mga kagamitan ang nasunog bukod pa sa mag-isa siyang nagtatrabaho dahil may kapansanan ang kanyang mister.

Bahagi ng pahayag ni Gng. Marites Ambulario