--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaresto ng mga kasapi ng Quirino Police Station ang isang lalaki sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Bernabe Mendoza of Regional Trial Court branch 23 Roxas, Isabela.

Ang suspek ay si Joemar Rosqueta, 37 anyos , residente ng Purok 3, Cabatuan, Isabela.

Si Rosqueta at nahaharap sa mga kasong Homicide at frustrated homicide.

Makakalaya lamang pansamantala ang suspek kapag naglagak ng piyansang P/40,000.00 sa kasong homicide at P/24,000.00 sa kasong bigong pagpatay

--Ads--