
CAUAYAN CITY – Patuloy na sinisiyasat ng pulisya ang anggulong pagnanakaw ng luya na dahilan ng pagbaril at pagpatay kahapon sa isang lalake sa Binuangan, Dupax Del Norte, Nueva Vizcaya.
Ang biktima ay si Romeo Biado, may asawa at residente ng Alloy, Kasibu, Nueva Vizcaya.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Maj Ferdinand Corpuz, Chief of Police ng Dupax Del Norte Police Station, sinabi niya na idinulog ng isang Lito Kenjuran, barangay kapitan ng Binuangan ang pagkakatagpo sa bangkay ng biktima na nakahandusay sa gilid ng daan at may 3 tama ng bala ng baril sa katawan habang katabi nito ang kanyang kolong-kolong na may sakay na 4 sako ng luya.
Aniya, sa pagtugon ng mga otoridad ay nakuha sa pinangyarihan ng insidente ang 4 na basyo ng Cal. 38 na baril at 2 bala.
Maliban pa rito ang nakuhang 2 piraso ng tsinelas, 1 bolo at 2 sling bag.










