--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy na nagpapagaling sa ospital ang isang lalaki na may kapansanan sa pag-iisp na nabaril ng isang pulis dahil sa pananaga sa isa pang pulis nang hadlangan pumasok sa isang eskuwelahan sa Poblacion, Aritao, Nueva Vizcaya dahil may dalang itak.

Ang  suspek na may diperensiya sa  pag-iisip ay residente ng Barangay Kirang, Aritao, Nueva Vizcaya.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Roger Visitacion,  Officer-in-Charge ng Aritao Police Station, sinabi niya na nakatanggap sila ng tawag mula sa mga residente ukol sa lalaking may hawak na itak malapit sa isang pribadong paaralan.

Agad namang tumugon  ang mga pulis at sinikap ni Patrolman Marvin Jay Sangil na kausapin ang suspek ngunit tinaga siya sa kanyang kaliwang kamay.

--Ads--

Tatagain din umano ng suspek si PSSgt Dennis Cabonitalla ngunit binaril niya ang ang suspek sa kanyang kanang binti.

Isinugod ang suspek sa ospital at ang nasugatang pulis.

Ayon sa pamilya ng suspek, nakaalis  ang lalaki sa kanilang bahay na hindi nakakainom ng kanyang maintenance medicine at hindi rin nila akalain na makakalayo siya mula sa kanilang bahay.

Hindi rin galing sa kanila ang gulok na hawak nito.

May hinala na may pinasok na bahay ang suspek kung saan niya nakuha ang gulok.

Sinampahan na ng kaso  ang suspek at hinihintay na lamang nila ang pasya ng piskalya at ang mga dokumentong ipapasa ng kanyang pamilya upang patunayang mayroon siyang sakit sa  pag-iisip.