--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaresto sa entrapment operation ang isang lalaki na nagbenta ng baril sa pamamagitan ng Facebook sa Echague, Isabela

Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 ( Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Regulation Act) ang nadakip na si Mark Anthony Quiaoit, 24 anyos, may-asawa at residente ng barangay Silauan Norte, Echague, Isabela.

Nadakip si Quiaoit sa isinagawang entrapment operation ang mga kasapi ng Echgue Police Station at Criminal Investigation and Detection Group o CIDG – Santiago City dahil sa pagbebenta ng Caliber 38 baril na walang lisensiya at may anim na bala sa isang pulis na umaktong buyer.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Chief Insp. Ruben Martines, hepe ng Echague Police Station na malakas ang loob ng suspek dahil sa Facebook page pa ipinost ang kanyang ibinebentang baril na nagkakahalaga ng walong libong piso.

--Ads--

Si Chief Insp. Ruben Martines, hepe ng Echague Police Station sa eksklusibong panayam ng bombo Radyo Cauayan.

Samantala, iginiit naman ng naarestong si Mark Anthony Quiaoit na ang mahigpit na pangangailangan sa pera ang nagtulak sa kanya na magbenta ng baril.