CAUAYAN CITY- Hinuli sa isinagawang anti-illegal gambling operation ang isang lalaki habang nakatakas ang tatlong kasamang nagsusugal sa Nueva Vizcaya
Ang nahuli at ang mga nakatakas ay pawang residente ng Barangay Balagbag, Diffun, Quirino.
Sa pagsisiyasat ng Diffun Police Station, tumakbo ang iba pang sangkot na naglalaro ng majong nang makita nilang may paparating na mga pulis.
Isa lamang na naglalaro ang nahuli ng mga pulis at nasamsam nila ang mga gambling paraphernalia tulad ng isang set ng majong tiles, playing cards, dalawang dice at money bet na mahigit P/2,000 .
Ang dinakip ay dinala sa himpilan ng pulisya at inihahanda na ang kasong paglabag sa presidential decree 1602 (anti-illegal gambling law).
Maging ang mga nakatakas sa anti-illegal gambling operation ay sasampahan din ng katulad na kaso.




