--Ads--

CAUAYAN CITY – Naaresto ang isang indibidwal sa San Isidro, Isabela na nagtatago sa batas dahil sa nakabinbin niyang kaso na paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni PMaj. Grandeur Tangonan, hepe ng San Isidro Police Station na may nagbigay sa kanila ng impormasyon kaugnay sa akusado at sa pamamagitan ng kanilang e-warrant system ay napag-alaman na may pending na kaso ang akusado.

Matapos mapatunayan ay agad nilang inaresto ang akusado sa bisa ng mandamiento de aresto.

Ayon kay PMaj. Tangonan, nagkaroon ng warrant of arrest ang akusado dahil iniwasan nito ang kanyang sentensya at nagtago.

--Ads--

Sa pagsasagawa nila ng background check ay napag-alaman din na nagkaroon ang akusado ng kasong murder pero batay sa Cabanatuan City Police Station ay nadismiss ang kaso niyang ito dahil nagkaaregluhan.

Inamin naman aniya ng akusado na mayroon siyang warrant of arrest sa kanilang lugar sa Cabanatuan City, sa Nueva Ecija at napadpad sa San Isidro, Isabela noong nakaraang taon.

Pansamantala namang tumutuloy ang akusado sa isang farm at doon siya hinuli ng mga pulis.

Nagpapasalamat naman ang San Isidro Police Station sa mga mamamayan ng San Isidro sa patuloy na pakikipagtulungan sa kapulisan.

Tinig ni PMaj. Grandeur Tangonan.