CAUAYAN CITY- Tuluyan nang napasakamay ng mga otoridad ang isang notoryus na indibidwal na matagal nang pinaghahanap sa kasong Statutory Rape (2 counts) matapos itong maaresto sa isang operasyon na isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng pulisya sa Barangay Abut, Quezon, Isabela.
Ang suspek na kinilalang si alias “Kevin”, 21 taong gulang, binata, isang driver at residente ng nasabing barangay, ay dinakip dakong alas-sa bisa ng Mandamiento De Aresto na inilabas ng isang Presiding Judge ng Regional Trial Court, Second Judicial Region, Branch 23 sa Roxas, Isabela na parehong walang inirerekomendang piyansa.
Ang matagumpay na operasyon ay pinangunahan ng Quezon Police Station katuwang ang PIU-IPPO, PIDMU-IPPO, RMU-2, RIU2-PIT, 3rd Platoon 1st IPMFC, at 3rd MP ng 201st MC-RMFB2.
Sa pag-aresto, maayos na ipinaalam sa akusado ang kanyang mga karapatang pangkonstitusyonal alinsunod sa Miranda Doctrine, gamit ang wika o diyalektong nauunawaan niya.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Quezon PS ang suspek para sa dokumentasyon at tamang disposisyon at nakatakdang i-turnover sa korte na naglabas ng kautusan.











