Dinakip ng mga awtoridad ang isang Most Wanted Person na nahaharap sa kasong frustrated murder sa isinagawang operasyon sa Brgy. Rang-Ayan, Angadanan, Isabela.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Sam,” 33-anyos, binata, magsasaka at residente ng Brgy. Gappal, Cauayan City.
Bandang alas-12:30 ng tanghali nang arestohin siya ng pinagsanib na operasyon ng Angadanan Municipal Police Station, 205th Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 2, at iba pang yunit ng Isabela Police Provincial Office.
Ayon sa pulisya, naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 19 sa Cauayan City noong March 11, 2026 kaugnay ng kasong frustrated murder na may inirekomendang piyansang ₱200,000.
Matapos ang pag-aresto, ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatan alinsunod sa Miranda Doctrine.
Sa kasalukuyan ang suspek ay nasa kustodiya ng Angadanan Municipal Police Station habang inihahanda ang mga dokumento para sa pormal na pagharap sa korte.











