--Ads--

CAUAYAN CITY- alang nakikitang foul play ang mga kasapi ng Ramon Police Station sa pagkamatay ng binatang nakilala sa pangalang Zoren Lauren ng Sinamar Norte, San Mateo.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Ramon Police Station, natagpuan ang bangkay ni Lauren sa irrigation canal.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya na nahulog sa irrigation canal ang sinakyang motorsiklo ni Lauren.

Ang biktima ay galing sa San Sebastian, Ramon at pauwi na sana sa Sinamar Norte, San Mateo nang maganap ang aksidente.

--Ads--

Hindi kaagad nakita ang bangkay ng biktima.

Lumabas sa pagsusuri ng doctor na namatay si Lauren dahil sa pagkalunod.