CAUAYAN CITY- Panibagong kaso ang kinakaharap ng isang lalaking galing sa New Bilibid Prison na nauna nang dinakip dahil sa kinakaharap na kasong physical injury at paglabag sa Omnibus Election Code at pagnanakaw sa isang Grocery Store sa Bambang, Nueva Vizcaya.
Noong February 6, 2019 ay ipinarada ni G. Wilfredo Lorenzo ang kanyang sasakyan sa Bayawa Street, Centro East, Santiago City nang binasag ang salamin at nakawin ang isang laptop, Php15,000.00 at mga identification cards na nasa loob ng sasakyan.
Batay sa kuha ng CCTV camera, natukoy ang suspek na si Anthony Catabona siya ring pinaghihinalaang nagnakaw sa isang hardware sa Santiago City at pagnanakaw sa bayan ng Bambang.
Sa panayam ng Bombo radyo Cauayan, inihayag ni P/Chief Inspector Rolando Gatan, Chief ng Relations Branch ng Santiago City Police Office na si Catabona ay una nang nakulong sa National Bilibid Prison at nakalabas sa kulungan noong 2016 makaraang pagsilbihan ang kanyang sentensiya ngunit bumalik sa kanyang gawain na pagnanakaw.
Modus ng grupo ng suspek pagbasag sa mga kotse at nanakawin ang mga mahahalagng bagay na nasa loob ng sasakyan.