--Ads--

CAUAYAN CITY – Sasampahan ng panibagong kaso ang naaresto na number 1 most wanted person municipal level matapos na gawing kalasag ang live-in partner sa naganap na habulan sa isang maisan sa Annafunan, Tumauini.

Ang naaresto ay si Rodmar Tamang, 26 anyos, may-asawa, tsuper at residente ng Core Shelter, San Vicente, Tumuini, Isabela sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Felipe Jesus Torio II of RTC Branch 22 ng Cabagan sa kasong murder at attempetd murder.

Nakatanggap ng impormasyon ang Tumauini Police Station na si Tamang ay nasa Annafunan, Tumauini, Isabela kaya bumuo ng grupo si P/Chief inspector Eugenio Mallillin, hepe ng Tumauini Police Station na nagtungo sa lugar.

Nagkaroon ng komosyon at habulan.

--Ads--

Tinangay ni Tamang ang kanyang live-in partner na si Edmalyn Ancheta Cortez at dinala sa maisan.

Matapos mabatid ang pangyayari ay inatasan ni Senior Supt. Mariano Rodriguez, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office ang SWAT sa pangunguna ni Senior Insp Aggabao at 2nd platoon 1st IPFMC sa pangunguna ni SPO2 Iringan na magtungo sa Tumauini.

Nagbunga ito sa pagkaaresto ng most wanted person at pagkaligtas ni Cortez.

Dinala si Tamang sa Tumauini Police station at sasampahan ng kasong grave coercion.